... rolling along Life Avenue

Wednesday, April 27, 2005

Dalawang Tula

Basahan lamang na pamasak
sa butas habang hindi pa yari
ang tansong panakip.
Hinabing mga retaso na walang
pag-iingat na binigkis
ng mga sinulid
Kung saan ang karayom na ginamit
ay walang babalang
tutusok sa balat
kapag nabakli.

********************************

Sariling gawa nga
ang paghihiwa ng sibuyas
na nagpaluha sa bagong kusinera
Na kanyang ibinuhos
sa kumukulong langis
Habang nakakapit sa aking tainga.
Pagkuwa’y nagdagdag pa ng
sahog at dumalangin na sana'y
sumarap ang ihahain.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)