Baboy
May mga panahong ang lalim ng pandidiri mo sa sarili. Tingin mo eh pagkadumi-dumi mo. ‘Yung tipong kahit ilang beses kang maghilod at magsabon eh hindi pa rin matanggal-tanggal ang pakiramadam na parang binalutan ka ng pagkalagkit-lagkit na mga libag. Nakakapandiri!
Gusto mong tumakas sa sarili mong balat. Bumili ng bago, kung pwede. Pero ikaw ‘to eh. Gustuhin mo man, hinding-hindi mo ‘to maiiwan. Matindi ang kapit. Daig pa ang Mighty Bond. At nandiyan din ang mga taong magpapaalala sa ‘yo na “Hoy! Saan ka pupuntang madungis ka?”
Sasabihin mo, bata ka kasing nagnais maglaro. Isang beses lang naman, ‘di ba? Parang ang sarap eh. Pero, pucha, dahilan ba ‘yon? Kahit bata ka alam mong putikan ‘yun! Manililimahid ka talaga!
Eh di gumaya ka rin sa mga taong idinadahilan ang kanilang pagiging tao para bigyang katwiran ang mga kagaguhang pinaggagagawa nila. Tao lang kasi akong nagkakamali. Tanga!! Tao ka nga kaya ka me utak!
Gamitin mo.


0 Comments:
Post a Comment
<< Home